Coco Martin and Zanjoe Marudo to Grace the Sinulog Festival in Cebu

Tags:Coco MartinCoco Martin,Coco Martin PhotosCoco Martin pictures,Coco Martin picturesCoco Martin photos
Coco Martin and Zanjoe Marudo lead a group of Kapamilya stars who will grace the Sinulog Festival in Cebu.
Hindi na talaga matitinag ang Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG) sa pagbibigay-saya sa mga Pilipino, saan mang sulok ng mundo, dahil umpisa pa lang ng taon, agad itong aarangakada sa pinakaabangang Sinulog Festival sa Cebu City.
Tampok sa Kapamilya Karavan na gaganapin sa Enero 15, 4 p.m. sa Ayala Mall, Cebu City ang mga pinaka-pinaguusapang Kapamilya stars na sina Minsan Lang Kita Iibigin lead star Coco MartinMartha Cecilia’s Kristine hottie na si Zanjoe Marudo, Ron Morales ng Sabel,Maricar Reyes ng Imortal at Shout Out mainstay na si Enchong Dee.
Walang mapagsidlan ng tuwa si Coco sa kanyang napipintong pagbisita sa mga tagahanga sa Cebu. Aniya, napapanahon lang ang kanyang partisipasyon sa Kapamilya Karavan, lalo’t matagal na niyang gustong pasalamatan ang mga Cebuano sa pagsuporta ng mga ito sa kanyang nakaraang teleserye. At ngayong darating na Pebrero, muling magbibida ang hinahangaang aktor sa Minsan Lang Kita Iibigin.
“Gusto ko i-take yung opportunity na ito upang magpasalamat sa ating mga kababayang Cebuano sa kanilang walang-sawang suporta sa mga projects ko with ABS-CBN. At siyempre, nais ko din silang imbitahan sa panibago ko na namang teleserye, sa February na po yan,” ani Coco.

Para naman kay Enchong Dee, pagkakataon na niya ito upang makapaglakbay at matunghayan ang ilan sa pinakamasasayang kapistahan sa bansa. Ani ng aktor, isang karangalan para sa kanya angmaimbitahan sa makasaysayang Sinulog Festival.
“Excited na naman akong bumiyahe at makita ang mga Cebuano sa major festival na ito!, I feel honored na mapasama dito. I’m sure sobrang magiging masaya yu’n,” sabi ni Enchong.
Hindi man niya kasama ang kanyang kasalukuyang katambal saMartha Cecilia’s Kristine na si Bangs Garcia, nagagalak pa rin si Zanjoe na na mag-perform ulit sa Kapamilya Karavan. Ayon kay Zanjoe, masyado siyang nabiyayaan sa taong 2010, kaya’t nararapat lamang na suklian niya ito ng mga umaatikabong performance para sa kanyang mga tagahangang Cebuano.
“Siyempre, masaya talaga kung kasama ko si Bangs. Pero kahit wala siya, I’m sure marami pang magagandang tagahanga natin from Cebu ang pwede kong maging leading lady sa Kapamilya Karavan,” pahayag ni Zanjoe.
Abangan din ngayong Enero, ang muling pagpapasiklab nina Gerald Anderson, Coco Martin, Maricar Reyes at Ron Morales sa isa na namang naguumapaw sa saying Kapamilya Karavan sa pinaka-pinaghahandaang Dinagyang Festival 2011 sa Iloilo.
Huwag palampasin ang iba pang mga sorpresang handog ng ABS-CBN Regional Network Group!